Bagong museo sa San Fernando

by Jul 6, 2023Blog

‘Bagong museo sa San Fernando, pwede nang bisitahin ’

Binuksan na sa publiko ang Museum of the Philippine Arts and Culture na matatagpuan sa Brgy. San Agustin, Syudad ng San Fernando, Pampanga.

Makikita sa naturang museo ang mga obra ng national artist na si Fernando Amorsolo, Vicente Manansala ng Guagua, Botong Francisco, at marami pang iba.

Marami ring antique items na mismong collection ng mag-asawang Andrea at Rolando Domingo na may-ari ng naturang museo.

₱300 ang standard entrance fee dito habang ₱240 naman para sa senior citizens at ₱200 para sa mga estudyante. Bukas ang museum mula Martes hanggang Linggo, 9AM-5PM. | via JM De Jesus & Arthur Consuelo, CLTV36

#museum
#CLTV36News
#AtinTo

View Original Source

Recent Comments

No comments to show.